Kasalan Na…

Nung bata pa ako, andami kong nababasa na mga babaeng nagpapakasal ng 23-25. Sa mga binabasa ko, kapag ang isang babae ay wala pang asawa pagtungtong niya sa ganitong edad…naykupu…parang malabo ng magkaasawa. Kaya sa aking murang kaisipan dapat pag naging 23 ako, asawa na. Gudlak. 24 na ako.

Marami na akong kaibigang batchmates o malapit ang edad na nauna ng nag-asawa. Karamihan merong isa o dalawang anak. Ang iba naman nag-asawa lang, wala pang anak. May iba din na nag-asawa kasi magkakaanak na. Ke mahal nila ang isa’t isa o hindi, mga nagsiasawa na ang mga nilalang na ito. Ako nama’y hindi nagmamadali. Wala pa akong kabalak-balak mag-asawa. Ako’y napaisip lang kasi sandamakmak na imbitasyon sa mga kasalan ang natatanggap ko at nakapagbalik-tanaw tuloy ako sa aking kabataan. Paano ko ba gusto magpakasal? Anong eksena? Hmmmmm…

1. Sa simbahan ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, lungsod ng Quezon. Malaking parte ng buhay ko ang simbahang ito. Kelangan maikot ko ang kabuuan nito na naka-traje.

2. Sa Disyembre, araw ng kabilugan ng buwan. Para masaya dahil magPaPasko at maraming pera mga tao. Bwahahahaha

3. "Your gift appliances are good but we need cash." Motto ng kasal ko ito, nakalagay din ang ganitong paalala sa mismong imbitasyon. Ayaw ko kasing makatanggap ng anim na pirasong takure, 5 plantsa at 12 set ng plato, platito, baso, kutsara at tinidor.

4. Ang traje de boda ko ay puting-puti. Hindi beige, off-white o mother-of-pearl. Ang "motif" ng okasyon ay royal blue na shining, shimmering, splendid.

5. Ang mga imbitado ay iyong mga taong malapit lamang sa aming puso ng aking magiging esposo. (hindi ito Town Fiesta)

6. Bawal ang mga adik na "photo-video coverage crew" na nasa altar at lalo na ang mga nagdidikta kung paano ako ngingiti sa camera habang shino-showcase ko ang iba’t ibang gamit na pangkasal namin.

7. Walang kamag-anak na magluluto o mag-aasikaso na parang berdey party ang dating. Dapat lahat ng mga mahal namin sa buhay ay mga nakagayak na ayon sa mahalagang okasyong ito ng aming buhay.

8. Personalized din dapat ang kanta sa misa.

9. Ang "vow" na ipapahayag namin ay galing sa aming mga puso hindi scripted. (pero ok lang may kodigo)

10. Photo-op kung photo-op. Wag masyado stiff kahit medyo organized lang.

11. May videoke sa reception. (ano pa nga ba? hahaha)

12. Sa reception na magsasalita ang mga parental units, best man(men) at maid(s) of honor.

Ayan palang naman ang mga "required" sa kasal ko. Isang beses lang ako magpapakasal kaya i-oorganize kong maige. At bibigyan katuparan ko na ang aking pangarap simula nung mapanuod ko si Gelli de Belen at Jomari Yllana. Pagkatapos ng kasal lipad na sa Camiguin para magrelak kasama ang aking magiging esposo.

Ayan, lista lang. Matagal pa bago magamit ini. Hindi ko pa makita ang sarili ko na may asawa. Not yet, not in the near future. Madami pa ako gusto gawin sa buhay ko. Marami pang gustong puntahan. Pag nagpamilya na kasi, natural iba na ang priorities kaya ayos pa ang single status. Masaya pa ang life.

end_of_sharing

2 Responses to “Kasalan Na…”

  1. Paolo Says:

    Melissa,

    Pasensya na di na ako nakakavisit.

    RE: video coverage, sali mo na den yung eksena na nakabathrobe muna sa room tapos pag ikot nakagown na…super hero!

  2. Mel Says:

    It’s ok Paolo Benigno. =)
    Hahahaha…DARNA!

Leave a Reply